ISANG araw matapos niyang ipagdiwang ang kanyang 25th birthday, isa pang milestone ang nakamit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray makaraang pumalo na sa apat na milyon ang kanyang Instagram followers. “Feeling from all the birthday love! Thank you so much to everyone who sent in their messages! Also were 4MILLION strong, thank you for joining along in this amazing journey!” post ni Catriona sa Instagram.

Catriona

Matatandaang mula sa isang milyon bago ang coronation night ay biglang nadoble sa dalawang milyon ang followers ni Catriona sa IG makaraan siyang koronahan bilang bagong Miss Universe.

Inimbitahan din ni Catriona ang pageant fans na panoorin ang kanyang guesting sa Good Morning America at sa LIVE Kelly and Ryan nitong Enero 7 (Enero 8 sa Pilipinas) sa pagsisimula niya sa kanyang official duties bilang bagong Miss Universe.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Tomorrow my @missuniverse duties officially start with the beginning of media week! Who’s excited?! I know I am!! Catch me tomorrow on Good Morning America 8:40 AM ET and LIVE with Kelly and Ryan at 9:40AM ET,” post pa ng Filipino-Australian beauty queen. Nasa New York City ngayon si Catriona para gampanan ang kanyang mga bagong tungkulin bilang Miss Universe.

Ang ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas ay inaasahang magbabalik-bansa sa susunod na buwan para sa kanyang official homecoming at unang press conference bilang Miss Universe.

-ROBERT R. REQUINTINA