THANKFUL kay Pambansang Bae Alden Richards ang mga invited niyang miyembro ng entertainment press para sa pangako niyang thanksgiving lunch para sa Christmas, at sa kanyang 27th birthday na ginanap sa Concha’s Garden Café, sa Scout Madrinan, Quezon City, last Sunday, January 6.

Alden

Sumakto pa ang naturang selebrasyon sa huling araw ng Christmas celebration, ang Feast of the Epiphany o Feast of the Three Kings. Sabi nga, walang umuwing luhaan dahil lahat ay may natanggap na loot bags, at may mga nanalo pa sa raffle na top prize ay P20,000.

Pagkatapos ng kainan ay na-interview si Alden tungkol sa mga plano niya sa kanyang career at business. Sa career, muli siyang magkakaroon ng shows iba’t ibang bansa early this year. Nasa planning stage na rin ang bago niyang show sa GMA Network at wish niyang matupad ang movie na maaaring pagtamabalan nila ni Maine Mendoza na matagal nang hinihintay ng AlDub Nation.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Open na rin si Alden sa pagkukuwento tungkol sa kasalukuyan nang itinatayong McDonald’s store niya sa Biñan, Laguna, katabi niya ang Perpetual Help College sa national highway. Ima-manage ito ng sister niyang si Risa Faulkerson.

“Ako po ang panglima na magkakaroon ng food chain sa Laguna,” sabi pa ni Alden. “At among the stars, for the record, kami lamang ni Maine ang may sariling food chain nito, ayon sa kanila nang tanungin namin. Dumaan po kami sa tamang proseso, hindi po kami binigyan ng special considerations. Target date po namin ng opening ay sa Easter Sunday sa April.”

Ang isa pa niyang branch ng Concha’s Garden Cafe sa Silang, Cavite na under renovation ay bubuksan niya uli sa March, 2019. Tamang-tama ito in time sa mga graduation exercises.

“Lovelife? Baka po mayroon na after naming mag-open ng aming food chain. Sasabihin ko po kung mayroon na, hindi ko po ililihim,” patapos ni Alden.

-Nora V. Calderon