MABUTI at hindi na pinatagal ni Tony Labrusca ang paghingi ng paumanhin sa nangyari at nag-apologize siya kaagad sa nagawa niyang pagkakamali laban sa isang immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

tony

Sa kanyang tweet, binigyang-diin ni Tony na “deeply sorry” siya sa nangyari.

Pero una pang nag-apologize kay Tony ang ama niya, ang dating artista na si Boom Labrusca. Kasabay nito, Boom called out ang nagpakalat ng maling info tungkol kay Tony, at sinabihang hindi raw nito kailangang manira kung may pagkakamali ang anak.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Ito ‘yung isyu na ibinato ng isang netizen na may kasama raw “secret boyfriend” si Tony nang dumating from Canada.

Itinanggi na ito ni Tony at wala nang isyu. Ang hindi lang maganda, marami ang kaagad na nanghusga sa bida ng Glorious at pinaniwalaan ang nasabing isyu.

-NITZ MIRALLES