Napatay si dating Parang, Maguindanao Mayor Talib Basa Abo, Sr. at kapatid na si Basa “Bobby” Abo habang arestado naman ang anak na babae ng una, sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cotabato City, kahapon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-12 Spokesperson Aldrin Gonzales, nakilala ang anak na naaresto na si Amy Macaumbang “Baby Love” Abo.

Iba’t ibang klase ng baril at illegal drugs ang nasamsam umano ng mga awtoridad sa bahay ng dating mayor at sa bahay ng kapatid nito sa Barangay Rosary Heights at Bgy. Mother Bagua, ayon sa pagkakasunod.

Isa ring granada ang nakumpiska umano sa bahay ni Bobby, ayon sa pulisya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Gonzales, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PRO-12 Mobile Force, Special Action Force (SAF), Army Special Forces Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12, at Cotabato City Police Office upang i-serve ang magkahiwalay na search warrant laban sa dalawang anak ng dating alkalde na sina Amy at Bai Amelia Macaumbang Abo, dakong 12:40 ng madaling araw.

Agad na dinampot ng mga raiding team si Amy matapos umanong makumpiska sa bahay nito ang mga baril at droga, habang pinalaya naman si Bai Amelia dahil walang nakitang ebidensiya na magdidiin dito sa kaso.

-Antonio L. Colina IV at Fer Taboy