Nanawagan kahapon ang grupong Eco-Waste Coalition sa mga debotong lalahok sa prusisyon ng Black Nazarene na huwag magkalat ng basura kaugnay ng Traslacion sa Maynila sa Miyerkules, Enero 9.

Umapela ang grupo upang hindi na maulit ang nangyari sa isinagawang tradisyunal na “Pahalik” at prusisyon sa Quirino Grandstand sa Rizal Park hanggang Quiapo District, kung saan nakahahot ang city government ng tinatayang aabot sa 385 tonelada ng iba’t ibang basura noong 2018.

Paliwanag ng grupo, mas mataas ng 11 porsiyento ang nasabing bilang kumpara sa naitalang 341 toneladang basura na nakolekta noong 2017 Traslacion.

Binanggit ng grupo na kinakailangan ng mahigpit na pagtutulungan ng Parish of Saint John the Baptist (Quiapo Church), Archdiocese of Manila, Manila City Government, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga apektadong barangay, gayundin ang mga civil society organization, upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“The objective should not simply focus on how quick the garbage is swept, collected and hauled, but on how the generation of garbage can be prevented and reduced to the minimum,” ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng EcoWaste Coalition.

-Chito A. Chavez