ISASAGAWA ng Philippine Taekwondo Association, sa pakikipagtulungan ng SMART/MVP Sports Foundation ang 2019 National Instructors’ Ge¬neral Assembly sa Linggo (Enero 6) sa San Andres Sports Complex, San Andres St., Manila.
Kabuuang 500 national at regional head instructors kabilang na ang mga opisyales ng iab’t ibang taekwondo club sa bansa inaasahang makikiisa sa taunang programa na naglalayong pataasina ng kalidad ng coaching ng sports.
Pangungunahan ni Ma¬kati Congressman at PTA Secretary General Monsour del Rosario ang nasabing pagpupulong.
Kabilang din sa ibibida ng PTA ang kanilang accomplishments sa nakaraang 2018 at pag-usapan din ang iba’t ibang national at international competitions na sasalihan ng national team.
Nakatakdang sumabak ang national team sa World Taekwondo Championships, Asian Cadet at Junior Taekwondo Championships, World Cadet Championships, Asean Taekwondo Championships na gaganapin sa bansa at ang 30th SEAG sa Manila sa Nobyembre.
Ang registration sa naturang pagtitipon ay magsisimula sa alas-9 ng umaga at susundan ng refresher course ng World Taekwondo Federation pati na ang official rules at updated techniques para sa Poomsae (forms) at Kyorugi (free sparring).