Filipino flyweight star Danny "The King" Kingad ay sabik na naghihintayt sa tawag ng ONE Championship.

Mula sa isang unanimous decision victory laban kay Yuyu "Little Piranha" Wakamatsu ng Japan sa ONE: CONQUEST OF HEROES noong Setyembre.

“Of course, I will get surprised if ever I get that call from the bosses. I'm eager to get back to the ONE Championship stage and continue where I left off,” pahayag niya.

Sa pagbabalik ng ONE Championship dito sa Pilipinas sa Enero 25, ang 22 anyos na tiga Baguio City ay gustong magkaroon ng puwesto sa at ONE: HERO’S ASCENT na gaganapin sa Mall of Asia Arena, Manila, Philippines.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“I want to compete again. I’m free on 25 January for the Manila event. Having a match on that card will be amazing," sabi ni Kingad.

Inumpisahan ni Kingad ang taon sa isang unanimous decision na panalo laban kay Sotir Kichukov ng Bulgaria sa ONE: VISIONS OF VICTORY nitong nakaraang Marso.

Nadala ni “The King ang kanyang pagkapanalo sa mga sumunod niyang laban nitong 2018. Tulad ng isang unanimous decision na panalo laban kay Ma Haobin ng China sa ONE: PINNACLE OF POWER noong Hunyo.

Kasunod ng pagkapanalo niya kay Ma ay sumunod naman ang pagtalo niya kay Wakamatsu.

Sa kabila ng mga mahihirap na laban niya nitong nagdaang taon, nakaplano na siyang lumaban para sa ONE: HERO’S ASCENT lalo na’t wala siyang natamong malalang sugat.

“I’m still in good shape. I have no injuries. If they will offer me a match, I’m here to accept the offer to compete in Manila,” pahayag niya.

“I'm willing to compete against anyone in my division. I don’t have to choose my opponent. I will just fight anyone who’s in front of me,” pangako niya.