MALAKING balakid ang ace playmaker ng NorthPort na si Stanley Pringle sa posibleng pagwawagi ni San Miguel Beer slotman June Mar Fajardo para sa kanyang record na 5th MVP award.

Stan_ey

Ang 2015 Rookie of the Year awardee ay nanatiling nangunguna sa statistical race sa nalikom niyang 35.5 points kumpara kay Fajardo na siyang pumangalawa sa naitala nitong 33.1 SPs sa pagtatapos ng Philippine Basketball Association 43rd season.

Ang reigning 4-time MVP winner ang dating namumuno matapos ang unang dalawang conferences bago napuwersang mag sit out sa halos kabuuan ng season ending Governors Cup dahil sa injury.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakapaglaro lamang sya ng tatlong laro sa third conference kung saan nakatipon sya ng 10.67 SPs.

Nakawalong laro naman si Pringle sa Governors Cup dahil sa naging stint nya sa Gilas Pilipinas ngunit nakapagtala sya ng 34 SPs ang pinakamataas na naiposte ng alinman sa mga MVP contenders.

Pumapangatlo naman si Barangay Ginebra big man Japeth Aguilar na may 32.3 SP’s kasunod si NorthPort guard Sean Anthony na may 31.3 SP’s at Matthew Wright ng Phoenix (30.0 SP’s)

Kabilang sa top 10 contenders sina Marcio Lassiter ng San Miguel (29.80), at mga teammates nitong sina Arwind Santos (29.77) at Alex Cabagnot (29.74), Ginebra guard Scottie Thompson (29.6) at Blackwater center Paul Erram (28.5).

Kahit pumapangalawa na lang, nananatiling matinding contender si Fajardo sa MVP plum matapos tanghaling Best Player of the Conference sa nakaraang Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Samantala, nangunguna naman si Phoenix forward Jason Perkins sa labanan para sa Rookie of the Year award.

Taglay ni Perkins ang 32.2 SPs habang malayong pumapangalawa si Jeron Teng ng Alaska na 18.7 SP’s.

-Marivic Awitan