SI Toni Gonzaga ang nasa likod ng TinCan Productions, bilang producer ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Mary, Marry Me. Isa rin si Toni sa mga lead stars ng pelikula, with sister Alex Gonzaga, at kasama rin si Sam Milby.

Sa presscon ng said film, sinabi ni Toni na ang mister niyang si Direk Paul Soriano was the one who encouraged her to become a movie producer. At aminado siyang marami siyang realizations sa naging karanasan niya bilang movie producer.

“Mahirap gumawa ng pelikula. Ngayon [naiitindihan ko] na feel na director na pagtrabahuan mo nang ilang buwan tapos ‘pag pinapanood mo sa tao iba-bash lang nila na parang ganun-ganun lang. Hindi nila alam ‘yung puyat, pagod, hirap, dugo at pawis na pinagdaanan,” kuwento ni Toni.

Is she ready for the critics of Mary, Marry Me?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“I will always take everything in a constructive way to help me grow. I will try to filter what will benefit me and I will try to absorb kung ano ‘yung makakatulong sa amin.”

Aside from being a producer, Toni shared that she is interested to learn how to direct in the future.

“It’s been in the back of my head na i-try siya kasi I had so many concepts na pini-pitch ko for Star Cinema. Then na-approve ‘yung iba. Sana next year matuloy ang plans. Mag-aaral ako rito siyempre, dahil ang gusto ko gumawa ng pelikulang pang-Pilipino so kailangan kong aralin ang audience ng Pilipino,” ani Toni.

-Ador V. Saluta