LA at Lebron, pinaluhod ang GS Warriors: Celts, Bucks at Rockets, wagi sa ‘Christmas’ duel

OAKLAND, Calif. (AP) — Nagtamo ng injury at hindi na nakabalik sa laro si Los Angeles star LeBron James, ngunit naging matatag ang Lakers sa matikas na pagbalikwas ng two-time defending champion Golden State Warriors sa third period para maitarak ang dominanteng 127-101 panalo nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

NANGIBABAW ang laki at lakas ng 7-footer Croatian center Ivica Zubac ng Los Angeles Lakers laban sa depensa ni Golden State Warriors guard Klay Thompson sa kaagahan ng kanilang laro sa Araw ng Pasko sa Oracle Arena sa Oakland, Calif. Nadomina ng Lakers ang two-time defending champion. (AP)

NANGIBABAW ang laki at lakas ng 7-footer Croatian center Ivica Zubac ng Los Angeles Lakers laban sa depensa ni Golden State Warriors guard Klay Thompson sa kaagahan ng kanilang laro sa Araw ng Pasko sa Oracle Arena sa Oakland, Calif. Nadomina ng Lakers ang two-time defending champion. (AP)

Nagtamo ng groin injury ang four-time MVP may 7:51 sa third period matapos tangkaing marecover ang loose ball. Nagtumpok siya ng 17 puntos, 13 rebounds at limang assists bago nagbalik sa locker room at pinanonood na lamang ang laro sa TV monitor.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa pagkawala ni James, rumatsada ang Warriors sa 11-0 run, tampok ang magkasunod na three-pointer ni Stephen Curry para maidikit ang iskor sa 78-76 may 2:48 ang nalalabi sa third period.

Ngunit, imbes na mawalan ng loob sa pagkawala ng kanilang lider, nagpakatatag ang Lakers, sa pangunguna nina Kyle Kuzma at Rajon Rondo upang muling mailayo ang bentahe sa double digits tungo sa dominanteng desisyon na ikinadismaya ng home crowd sa Araw ng Kapaskuhan.

Hataw si Kuzma sa naiskor na 19 puntos, habang tumipa si Rondo ng 15 puntos at 10 assists. Ratsada rin si Ivica Zubac na may 18 puntos at 11 rebounds para tuldukan ang 11-game losing streak ng Lakers sa Oracle Arena mula nang manalo sa 118-115 overtime noong Dec. 22, 2012.

Tinapos din ng Los Angeles ang seven-game skid sa kabuuan ng kanilang match-up mula noong Marso 6, 2016.

Kumubra si Kevin Durant, naglaro na may iniindang pananakit sa kaliwang paa, ng 21 puntos, pitong rebounds at pitong assists, habang kumana si Andre Iguodala ng season-high 23 puntos.

Nakapanlulumo ang shooting ng Golden State sa 9-for-36 sa three-point area kung saan kumana lamang si Curry sa 2-of-8 at si Durant sa 3-for-8.

CELTICS 121, SIXERS 114 OT

Sa Boston, naisalpak ni Kyrie Irving ang magkasunod na three-pointer sa overtime para sandigan ang Boston Celtics sa makapigil-hiningang 121-114 panalo sa Philadelphia 76ers.

Hataw din si Irving, umiskor ng jump shot may 20 segundo ang nalalabi sa laro para maitabla ang iskor sa regulation period, ng 10 rebounds para sa Celtics, naghabol sa 108-113 may 3:33 left in the extra period.

Huling nakadikit ang Sixers sa 114-112 mula sa free throws ni Ben Simmons may 2:15 ang nalalabi sa laro, ngunit hindi na sila nakaiskor pa.

Nakamit ng Boston ang 115-114 bentahe mula sa three-pointer ni Irving na nasundan na isang pang long distance shot may 1:28 ang nalalabi sa laro.

Kumana sina Jayson Tatum at Marcus Morris ng tig-23 puntos, habang umiskor si Terry Rozier ng 10 puntos.

Nanguna si Joel Embiid sa Philadelphia na may 34 puntos mula sa 12 of 12 free throws, at 16 rebounds. Nag-ambag si Jimmy Butler ng 24 puntos at kumikig sina JJ Redick ng 17 points at may 11 puntos, 14 rebounds at and Ben Simmons added 11 points, 14 rebounds and eight assists for the Sixers.

ROCKETS 113, THUNDER 109.

Sa Houston, sumiklab ang mainit na ratsada ni James Harden upang maibalik sa tamang wisyo ang Houston Rockets.

Nagsalansan si Harden ng 41 puntos para sa ikapitong panalo sa huling walong laro.

Tinanghal na unang player si Harden sa likod ni Russell Westbrook na nakaiskor ng 30 puntos o higit pa sa nakalipas na pitong sunod na laro.

“We’ve had that confidence all year,” pahayag ni Harden.

“Our record isn’t where we want it to be, but it’s getting there. And we’ve got to continue to work hard every day, continue to get better and grow. We’re preparing for a postseason. We’re not going to be at our tip top right now,” aniya.

Naisalpak ni Paul George ang three-pointer may 45 segundo ang nalalabi, bago sumablay si Harden sa three-point shot. Sumablay din si Westbrook sa kanyang tira ngunit naagaw ni George ang bola bago nanakuha ng foul – ikaanim kay Harden.

Nakaiskor ang Thunder, mula kay George, sa free throw may 46.6 segundo ang nalalabi.

Kumana si George ng 28 puntos at 14 rebounds para sa Thunder, habang may nakuha si Westbrook ng 21 puntos, siyam na rebounds at siyam na assists.

“We had some bad bounces which got them a couple of extra possessions which got them some open 3s,” pahayag ni George.

BUCKS 109, KNICKS 95

Sa New York, balitang-balita ang pagdating ni Greek star Giannis Antetokounmpo at tulad ng inaasahan, ilista na ang kanyang pangalan sa ‘Big Apple’.

“I was so excited that I went a little bit too high and I thought the rim was a foot taller,” pahayag ni Antetokounmpo.

Umiskor si Antetokounmpo ng 30 puntos at 14 rebounds.

“This is one of the highest stages,” sambit ni Antetokounmpo .

Nag-ambag si Brook Lopez ng 20 puntos sa Bucks, naglaro sa unang pagkakataon sa Araw ng Kapaskuhan.

Nag-ambnag si Malcolm Brogdon ng 17 puntos para sa Bucks.

“People come to see Giannis play but they’ve got to watch all of us, so it’s definitely a great opportunity for the rest of us to showcase as a team what we can do,” sambit ni Brogdon.

Nanguna si rookie Kevin Knox sa Knicks sa natipang 21 puntos.