MATAPOS manganak ni Maria sa kanyang panganay na anak, ibinalot niya ito sa tela saka inilagay sa isang sabsaban, kung saan kalimitang kumakain ang mga hayop na pangbukid, sa isang kabalyerisa sa Bethlehem ng Judea timog ng Jerusalem, dahil walang kuwarto na matuluyan ang pamilya.
Ipinagpatuloy ni San Lucas ang pagbabahagi ng kuwento kung paano nalaman ng mundo ang banal na pagkasilang:
“And there were in the same country shepherds abiding in the field, keeping watch over their flock by night. And lo, the angel of the Lord came upon them, and the glory of the Lord shone round about them: and they were sore afraid.”
“And the angel said unto them, ‘Fear not; for, behold, I bring you good tidings of great joy, which shall be to all people. For unto you is born this day in the ciy of David a Saviour who is Christ the Lord. And this shall be a sign unto you: Ye shall find the Babe wrapped in swaddling clothes lying in a manger.”
“And suddenly there was with the angel a multitude of the heavenly host praising God and saying: ‘Glory to God in the highest, and on the earth peace, good will toward men.’”
Ang unang nakaalam ng pagsilang kay Kristo ay ang mga pastol, ang pinakamababang-loob at pinakamahirap na tao sa lupain. Ang mensahe ng mga anghel ay ang purihin ang Panginoon sa kanyang kaluwalhatian at hilingin ang kapayapaan at kabutihang loob sa sangkatauhan.
Sa kasalukuyan, maaaring ang pinakamababa at pinakamahirap na tao sa daigdig ay ang mga migrante na naghahangad na makatakas sa gulo at kahirapan sa kanilang pinagmulang bansa. Iniluklok ni Pope Francis ang mga migrante sa sentro ng kanyang pagka-papa, na ginagamit ang bawat pagkakataon upang umapela sa mga bansa at sa kanilang mga pamahalaan na tulungan ang mga walang tahanang manlalakbay. Higit na ikinababahala ni Santo Papa ang tungkol sa mga anak ng migrante sa kanyang nagdaang mensahe para sa Pasko. “May our hearts not be closed as they were in the homes of Bethelehem,” aniya.
Sa ating bansa, patuloy tayong nagdurusa mula sa mga labanan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng New People’s Army at sa nagpapatuloy na karahasan sa pagsisikap ng pulisya na maubos ang mapanganib na droga at ngayon sa pagsisimula ng kampanya para sa nakatakdang halalan.
Ngayong Araw ng Pasko, nawa’y makita natin ang higit sa kaligayahan at kasiyahan ng panahon at makita ang kahalagahan nito bilang ang kapanganakan ng Kristong Tagapagligtas at samahan ang mga anghel sa panawagan at pagsisikap para sa kapayapaan ng daigdig.