Nanawagan si French President Emmanuel Macron para sa “order” nitong Linggo, makalipas ang anim na linggo ng “yellow vest” protest na nagdulot ng karahasan at pag-atake sa mga pulis sa Paris.

Sa kanyang pagbisita sa Freanch Troop na nakadestino sa Saharan state ng Chad para sa counter-terrorism force, sinabi ni Macron: “There must be order now, calm and harmony. Our country needs it.

“It needs harmony, unity, sincere commitment to strong collective causes and we must heal the divisions,” pahayag ng 41-anyos na Pangulo.

Mahigit 40,000 French ang nakibahagi sa anim na bugso ng protesta bilang panawagan sa pagtaas ng presyo ng gasolina, na sinamahan na ng iba’t ibang isyu ng bansa habang tumatagal.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

-AFP