NANGHINAYANG tiyak si Dennis Trillo dahil hindi siya nakasama sa bakasyon ng inang si Rita Ho at girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. Busy kasi si Dennis sa promo ng MMFF entry na One Great Love and in fact, Parade of Stars na ngayong Sunday (December 23) at whole day event ito.

Dennis

Sa December 27 ang awards night at kailangang dumalo ang lahat ng may entry sa MMFF, manalo at matalo man, para naman mas masaya ang MMFF. Baka nga kahit showing na ang movie ay may mall tour pa rin sina Dennis, Kim Chiu, JC de Vera at iba pang cast ng movie.

Idagdag pa sa schedule ni Dennis ang taping ng action drama series ng GMA-7 na Cain at Abel. Tuluy-tuloy ang taping ng serye at sa Pasko at Bagong Taon lang ang pahinga ng cast.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sabagay, maganda rin na hindi nakasama si Dennis sa bakasyon ng dalawang mahal niyang babae dahil nakapag-bonding ang future magbiyenan. Ang ganda nilang tingnan sa mga litrato na namamasyal at kumakain ng ice cream.

Anyways, matagal-tagal pa ang itatakbo ng Cain at Abel at kahit magtapos na ang action drama series, hindi pa rin mababakante si Dennis dahil marami siyang naka-line up na gagawing pelikula.

Tatapusin pa rin ni Dennis ang On The Job 2 na next year pa ang showing, kaya hindi pa ngarag sa shooting ang cast.

-Nitz Miralles