GS Warriors, naisalba ni Durant sa pagkolapso kontra Mavericks

OAKLAND, California (AP) — Naisalpak ni Kevin Durant ang three-pointer sa krusyal na sandali para sandigan ang Golden State Warriors sa mainit na ratsada ng Dallas Mavericks sa final period para sa 120-116 desisyon nitong Sabado (Linggo sa Manila).

NAKASALBA ang Golden State Warriors sa dikdikang laban kontra sa Dallas Mavericks dahil sa tikas ng second stringer na si Jonas Jerebko na kumana ng season-high 23 puntos

NAKASALBA ang Golden State Warriors sa dikdikang laban kontra sa Dallas Mavericks dahil sa tikas ng second stringer na si Jonas Jerebko na kumana ng season-high 23 puntos

Nagsalansan si Durant ng 29 puntos, 12 rebounds at walong assists.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Umabante ang Warriors sa 94-87 mula sa magkasunod na three-pointer nina Durant at Andre Iguodala at napalawig ang bentahe sa 13 puntos bago nagsagawa nang mainit na scoring run ang Mavs sa final three minutes.

Naidikit ng Mavs ang iskor sa 117-115 mula sa jumper ni Harrison Barnes may 1:20 ang natitira sa laro. Sumablay ang lay-up ni Durant para sa bigyan ng pagkakataon ang Mavs na maitabla ang iskor. Ngunit, matibay na depensa ang ibinakod ng Warriors.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 22 puntos, tampok ang rebounds at limang assists, habang kumana si Jonas Jerebko ng season-high 23 puntos mula sa 10-for-12 shooting bukod sa anim na rebounds.

Kumikig ang Mavericks, sa pangunguna ni rookie sensation Luka Doncic, humugot ng 19 na puntos mula sa 5 of 11 shots tampok ang tatlong three-pointers para kalooban ang Dallas stars.

Humugot si Draymond Green ng 14 na puntos, 10 rebounds at limang assists para sa ika-12 sunod na panalo ng Golden State laban sa Mavericks sa Oracle Arena.

“They made tough shots at the end. I don’t want to get discouraged because of the last three minutes,” pahayag ni Durant.

“I thought the whole basketball game we played pretty solid.”

Nanguna si Wesley Matthews sa Mavs na may 25 puntos mula sa 9-for-15 shooting tampok ang pitong three-pointer.

HEAT 94, BUCKS 87

Sa Miami, tinusta ng Heat, sa pangunguna ni Josh Richardson na may 16 na puntos, ang Milwaukee Bucks.

Nag-ambag si Dwyane Wade ng 13 puntos, habang kumana si Hassan Whiteside ng 11 puntos at 13 rebounds para sa ikaapat na sunod na panalo ng Shell.

Nalimitahan si Giannis Antetokounmpo sa season-low siyam na puntos, habang humugot sina Khris Middleton at Eric Bledsoe ng 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ikinalugod ni Miami coach Erik Spoelstra ang panibagong lakas ng Miami sa Eastern Conference.

”They tried to hit us first, they were physical with us,” pahayag ni Antetokounmpo. “We came from a back-to-back, but that’s not an excuse for us. We didn’t make shots, we had a lot of open looks that didn’t go in, but just being able to stick around and be in the game and have a chance to win says a lot about this team.”

THUNDER 107, JAZZ 106

Sa Salt Lake City, hataw si Paul George sa naiskor na 43 puntos at 14 rebounds para sa gabuhok na panalo kontra sa Milwaukee Buck.

Kumasa rin sina Jerami Grant at Steven Adams na may tig-15 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo ng Thunder (21-10) at pantayan ang Denver para sa best record sa Western Conference. Nag-ambag si Russell Westbrook ng walong puntos mula sa 3-for-17 shooting at may 12 rebounds at siyam na assists.

Nanguna si Rudy Gobert sa Jazz na may 20 puntos at 10 rebounds para sa Jazz (16-18). Habang tumipa sina Donovan Mitchell ng 20 puntos at kumana sina Derrick Favors at Ricky Rubio ng 12 at 14 na puntos, ayon sa pagkakasunod.