IPINAMAHAGI kamakailan ng Department of Labor and Employment (DoLE) at ng lokal na pamahalaan ng Lubao, Pampanga ang iba’t ibang tulong pangkabuhayan sa mahihirap na pamilya sa bayan.

Kabilang sa mga nabiyayaan ng P1.2 milyong halaga ng pangkabuhayang ayuda ang mga persons with disabilities (PWDs), mga mangingisda, magsasaka, at mga nagtitinda.

Sa pagbabahagi ni Raquel Lugtu, Lubao Public Employment Services Office (PESO) manager, binigyan ng 40 “negokarts” (livelihood carts) ang ilang mga piniling nagtitinda sa bayan; sampung motorboats sa mga mangingisdang benepisyaryo ng Barangay Sta. Tereza 2; isang unit rice reaper para sa mga magsasaka ng Barangay Sta. Rita; at limang sari-sari store packages sa mga PWDs.

Dagdag pa ni Lugtu, namahagi rin sa ang lokal na pamahalaan ng Lubao, sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab, ng nasa P201,000 bilang puhunan para sa mga benepisyaryo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The LGU also sponsored the beneficiaries’ entrepreneurial development training seminar, shirts and other expenses,” pagbabahagi niya.

Pinayagan din ng lokal na pamahalaan ang pagpapalabas ng panibagong P90,000 para sa dagdag na limang “negokart” units kasama ng kailangang puhunan ng mga napiling benepisyaryo.

Kabilang sa mga dumalo sa pamamahagi ng pangkabuhayang tulong sina Vice Mayor Robertito Diaz, Councilors Jay Montemayor, Emmanuel Santos at Gonzalo Tungul, Municipal Administrator Elizalde Bernal, DoLE-Pampanga chief labor employment officer Arlene N. Tolentino, at Director Alex V. Inza-Cruz, hepe ng Technical Support and Services, DoLE-Region 3 (Central Luzon).

PNA