NAG-courtesy call si Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamor Airbase kahapon bago bumiyahe ang beauty queen patungong New York City upang simulan ang kanyang official duties bilang bagong Miss Universe.
Dumating si Catriona sa bansa nitong Miyerkules dalawang araw makaraan niyang maiuwi ang korona sa beauty pageant sa Bangkok, Thailand nitong Lunes.
Nakaharap ng ikaapat na Pinay Miss Universe si Pangulong Duterte bandang 5:30 ng hapon bago ang naka-schedule niyang flight papuntang New York City nitong Huwebes ng gabi.
Matatandaang pinuri ng Malacañang nitong Lunes si Catriona sa pagbibigay ng karangalan sa bansa at sa pagbibida sa mundo ng “genuine qualities defining a Filipina beauty”.
“Ms. Gray truly made the entire Philippines proud when she sashayed on the global stage and showcased the genuine qualities defining a Filipina beauty: confidence, grace, intelligence and strength in the face of tough challenges,” sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nitong Lunes.
“In her success, Miss Philippines has shown to the world that women in our country have the ability to turn dreams into reality through passion, diligence, determination and hard work,” dagdag pa niya.
Si Catriona ang ikaapat na Pinay na pinutungan ng Mss Universe crown kasunod nina Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS