SI Rayver Cruz ang tumayong bestman sa katatapos lamang na kasal nina Lotlot De Leon at Fadi El Soury dahil hindi raw nakarating ang kapatid ng huli na manggagaling ng Lebanon.

Base sa nakuha naming tsika ay matagal nang inalok ang aktor na maging bestman sa kasal.

Kuwento pa, “hindi na rin naman kasi iba si Rayver sa pamilya nina Lotlot, sa katunayan love na love ni Lot si Rayver. Lahat ng family events nandoon si Rayver.”

Mukha naman, dahil base sa mga nakikita naming posts ni Lotlot sa social media account niya ay kasama si Rayver sa mga family gatherings at pawang kind words ang sinasabi nito tungkol sa aktor.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

At heto pa, maging ang lola ni Janine Gutierrez na si Ms Pilita Coralles, nanay ng daddy niyang si Ramon Christopher Gutierrez ay botong-boto rin kay Rayver dahil kilala na raw nila ang aktor simula pa noong bata.

Ganito rin ang pamilya Cruz na botong-boto rin kay Janine para sa aktor.

Kasama si Rayver sa Amerika pagpunta ng buong angkan ng mga Gutierrez at ang bagong kasal na sina Lotlot at Fadi, na magsisilbing honeymoon nila.

Doon sila magdidiwang ng Pasko kaya mararanasan nina Rayver at Janine ang White Christmas at babalik sila sa Disyembre 31 para dito naman mag New Year.

Ang nakapagtataka, laging magkasama sina Rayver at Janine pero hindi pa raw sila magkarelasyon, huh? Best of friends lang daw sila.

-REGGEE BONOAN