ITUTULOY ni Ali Atienza ang Manila Youth Games.

Nakiisa si Ali sa TOPS

Nakiisa si Ali sa TOPS

Ito ang sentro ng programa ng dating Asian Championship taekwondo gold medalist at chairman ng Manila Sports Commission (MASCO) kung papalaring maging kinatawan ng 5th District ng Manila.

Ayon sa nakababatang anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza, Hindi nawala sa kanya ang pagiging sports-minded kahit sinundan niya ang yapak ng ama sa pulitika.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“Ang puso ko ay laging nasa sports. Kahit na pasukin ko ang pulitika I will always be a sporta man,” pahayag ng dating Youth Sports consultant.

Taong 2008 at 2009 nang pangunahan ni Atienza ang pagsasagawa ng MYG kung saan nakalikha ng maraming batang kampeon na naging pamoso sa collegiate at national team.

Tampok sa naturang kompetisyon ang mga kabataang naninirahan sa Maynila estudyante man o out of school youth na may edad 17 pababa.

“Plano kong simulan muli ang MYG kasi gusto ko maging involve ulit yung mga kabataan ng Maynila sa sports. Yun ang talagang gagawin ko agad after elections,” ayon kay Atienza.

-Annie Abad