Career scoring mark, naitarak nina Curry at Durant sa GS Warriors

OAKLAND, Calif. (AP) — Nadugtungan ang mahaba nang listahan nang marka sa career ni Stephen Curry.

NILUSUTAN ni DeMar DeRozan ng San Antonio Spurs ang depensa ni Ben Simmons ng Philadelphia sa kainitan ng kanilang laro sa NBA. Nagwagi ang Spurs.

NILUSUTAN ni DeMar DeRozan ng San Antonio Spurs ang depensa ni Ben Simmons ng Philadelphia sa kainitan ng kanilang laro sa NBA. Nagwagi ang Spurs.

Nagsalansan ng 20 puntos ang two-time MVP para sandigan ang Golden State sa 110-93 panalo kontra Memphis Grizzlies at tanghaling ikalimang Warriors sa kasaysayan ng prangkisa na nakapagtala ng 15,000 puntos sa regular season nitong Lunes (Martes sa Manila).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakasama ang three-time NBA champion sa matikas na listahan ng Golden State icons – Wilt Chamberlain (17,783) , Rick Barry (16,447), Paul Arizin (16,266) at Chris Mullin (16,235).

Nag-ambag si Kevin Durant ng 23 puntos at limang assists para lagpasan ang maalamat na si Larry Bird (21,791) sa ika-33 puwesto sa NBA’s all-time scoring list, habang tumipa si Klay Thompson ng 16 puntos at limang rebounds.

Umabante ang Golden State sa pinakamalaking 25 puntos na bentahe sa second quarter tungo sa dominanteng panalo, sapat para mabigyan ng pagkakataon si coach Steve Kerr na maipahinga ang kanyang starters para makapaghanda sa susuungin na eight-game stretch bago ang new year, kabilang ang laro laban ka LeBron James at sa Los Angeles Lakers sa Dec. 26.

Nanguna si Marc Gasol sa Memphis na may 15 puntos, anim na rebounds at anim na assists, habang tumipa si Omri Casspi ng season-high 20 puntos laban sa dating koponan.

Kumasa si Jonas Jerebko sa Golden State na may 16 puntos mula sa bench.

Nakumpleto ni Curry ang marka nang maisalpak ang three-pointer may 7:37 ang nalalabi sa second period para sa kinakailangang 10 puntos para maabot ang 15,000 scoring points.

“He’ll probably be at 16,000 before too long, and won’t be aware of that either. He’s obviously a brilliant player and sets a great tone every night and every day at practice. For the Warriors, he just changed everything from where the team had been over the previously couple of decades. Guys like Steph don’t come around very often. He was the foundational piece to what we were seeing right now, the first piece. I think he was a major force in creating what we have today,” pahayag ni Warriors coach Steve Kerr.

ROCKETS 102, JAZZ 97

Sa Houston, nalapnos nang lakas ng Houston ang Utah Jazz para sa unang panalo ngayong season laban sa Utah matapos ang kabiguan sa unang dalawang laro.

Umarya sa double digits ang bentahe ng Houston para maaagaw ang momentum tungo sa final period. Kumikig ang Jazz sa final period upang makalapit sa ratsadahan, subalit isang three-pointer ni Harden ang muling nagpausad sa Rockets, 99-94.

Muling naidikit ng Jazz ang iskor sa dalawang puntos matapos maisalpak ni Donovan Mitchell ang tatlong free throw mula sa foul bi Eric Gordon may 35 segundo ang nalalabi.

Nanguna si Mitchell sa Jazz sa naitumpok na 23 puntos.

SPURS 123, SIXERS 96

Sa San Antonio, giniba ng Spurs, sa pangunguna nina Rudy Gay na may 21 puntos at LaMarcus Aldridge at DeMar DeRozan na may tig-20 puntos, ang Philadelphia Sixers.

Nakabawi ang San Antonio sa masaklap na kabiguan nang mabitiwan ang 21 puntos na bentahe aat matalo sa Chicago Bulls nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Kumasa sina J.J. Redick at Ben Simmons na may tig-16 puntos, habang nalimitahan si center Joel Embiid sa 13 puntos mukl sa 6-for-17 shooting tungo sa 11 rebounds.

THUNDER 121, BULLS 96

Sa Oklahoma City, ratsada si Paul George sa naiskor na game-high 24 points sa huling limang minuto ng laro.

Nag-ambag si Russell Westbrook ng 13 puntos, 16 puntos, 16 rebounds at 11 steals para sa kanyang 11th career triple-double., habang kumasa sina Steven Adams at Dennis Schroder para sa Thunder.

Humugot ng tig-16 puntos sina Lauri Markkanen at Bobby Portis para sa smalllhad 16 points apiece to lead Chicago. Markkanen adding 15 rebounds.

Sa iba pang laro, ginapi ng Minnesotta Timberwolves sa pangunguna ni Karl-Anthony Towns na may 14 puntos at 14 assists, ang Sacramento Kings, 132-105.

Nag-ambag si Derrick Rose ng 13 puntos at season-high 11 assists bilang kapalitan ng na-injured na si point guard Jeff Teague.