NAGPALIWANAG si Direk Joel Lamangan sa biglaang pagwawakas ng GMA primetime series na Pamilya Roces.

Yam

“Ten weeks lang talaga ang airing nito, at kapag nag-hit ay may extension. Halik ang katapat namin, na sadyang mataas ang rating,” sabi ng mahusay na direktor.

“Of course I feel sad. Walang problema sa istorya na tungkol sa tatlong pamilyang hindi magkasundo. I have a very cooperative cast na sinusunod ang aking instructions,” dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa honest observation ni Direk Joel, sinabi niyang kulang ang GMA sa mga leading men na puwedeng itapat sa kalibre nina Sam Milby at Jericho Rosales, na kapwa bida sa Halik, with Yam Concepcion and Yen Santos.

-REMY UMEREZ