ANG ganda ng picture ng cast ng Onanay na sina Nora Aunor, Mikee Quintos, Jo Berry, at Rochelle Pangilinan na nakasuot ng bestida na off-shoulder. May kasamang video ang picture ng apat, at nakakatuwa si Nora na game na game rumampa na naka-dress.

Jo, Rochelle, Nora, at Mikee copy

Pati si Jolina Magdangal ay napa-comment: “Astig at sobrang humble ng SUPERSTAR. Grabe.”

Nagbiro pa itong ibaba niya ang dress niya from her shoulder, kaya nagbiro si Rochelle na talbog ni Nora ang lahat. Walang kumagat sa dare ni Nora na gayahin ang ginawa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pati si Direk Gina Alajar ay natuwa sa ginawa ng kanyang mga artista sa Onanay, na malapit nang magtapos.

Samantala, curious kaming malaman kung ano ang Christmas gift ni Nora sa staff and production crew ng Onanay, dahil kilala siyang generous sa kanila.

Tuwing natatapos nga ang taping, namumudmod ang aktres ng pera sa production staff and crew. Mas lalo na siguro siyang generous ngayong Pasko.

-Nitz Miralles