NAPAWI na ang matagal na pagkauhaw sa medalya sa Team Competition matapos manaig si Alphaland Corporation top chess player Atty. Cliburn Anthony Orbe at sungkitin ang gold medal sa Board One sa katatapos na Muntinlupa Inter-Barangay Chess Team Tournament 1950 and below average team rating kamakailan sa Dioko Pavillion Barangay Cupang sa Muntinlupa City.
Si Orbe, nakapasok sa Round-of-16 sa 2018 Alphaland National Executive Chess Championships Grand Finals Rapid chess competition nitong Disyembre 2, ay kumubra ng 7 puntos, kontra kina Jethro Dino Aquino ng De la Salle Zobel Team A (6.5 puntos) at Michael dela Cruz ng Sucat Team A (6 puntos).
Subalit ang koponan ni Orbe ng Barangay Cupang team A ay nalagay sa 14th overall na may 8 match points habang ang De la Salle Zobel Team A naman ni Aquino ay nakamit ang top high school award na may 10 match points tungo sa 7th position.
Tumapos naman ang Sucat Team A ni dela Cruz ng 3rd overall na may superior tie break kontra kina fellow 10 match points 5th Bayanan Team A, Batang Poblacion, 6th Bayanan Team E at 7th De la Salle Zobel Team A.
Nanguna naman si veteran campaigner Roberto Biron ng Bayanan Team C na may 4 points para ihatid ang kanyang koponan sa overall championships na may 12 match points.
Ang iba pang ka team mate ni Orbon ay sina Angelo Cuizon (5.5 points), Clint Pontino (6.5 points) at Mandy Benito (4 points). Naibulsa nila ang P20,000 premyo kaloob ni Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Marc Red Mariñas at long-time chess supporter lawyer Vic Ulanday.