Naniniwala ang anim sa bawat sampung Pilipino na dedepensahan ng Amerika ang Pilipinas sakaling sakupin ito ng ibang bansa.

Ito ang lumabas sa resulta ng ikalawang bahagi ng 2018 Social Weather Stations (SWS) survey kahapon.

Sa pag-aaral na isinagawa noong Hunyo 27-30 sa 1,200 respondents, lumalabas na 61 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwala na ipagtatanggol ng Amerika ang Pilipinas bilang bahagi ng Mutual Defense Treaty.

Siyam na porsiyento naman ang hindi naniniwala at 30% ang undecided.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinakamarami ang nangtitiwala sa Amerika sa Luzon, na may 70% ng kabuuang nasarbey, kasunod ang Metro Manila, 60%; Visayas, 54%; at Mindanao, na may 48%.

Lumalabas din sa pag-aaral na 47% lang ng mga tao ang may kaalaman sa Philippines-United States Mutual Defense Treaty. Malaking bahagdan sa mga ito ang may sapat na kaalaman sa sigalot ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (73%).

-Ellalyn de Vera-Ruiz