NATULOY ang kasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla noong Tuesday, December 11, na naganap sa Villa Milagros Events Place, sa Rodriguez Rizal. Ang ganda ng wedding ceremony at sa napanood naming video, mag-isang naglakad sa aisle si Kylie at sinalubong na lang siya sa may altar nina Robin Padilla at Liezl Sicangco.

Aljur at Kylie copy

Ginawa ni Mark Tumang ang wedding gown ni Kylie at sa aisle, may ipinakitang poem ni Lang Leav na habang naglalakad palapit sa altar si Kylie.

Family at friends ang karamihan sa mga bisita sa kasal na sinabihan siguro na ‘wag magkukuwento tungkol sa petsa ng kasal nina Aljur at Kylie dahil walang lumabas.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Kapansin-pansin na kokonti ang taga-showbiz na bisita sa Abrenica-Padilla wedding dahil ang napansin lang namin na naroon ay si Sophie Albert na girlfriend ni Vin Abrenica na younger brother ni Aljur.

Invited din sa wedding si Gabbi Garcia na naging kaibigan ni Kylie mula nang magkasama sila sa Encantadia. Escort ni Gabbi ang boyfriend niyang si Khalil Ramos.

Hindi pa nagpo-post ng photos ng kanilang wedding si Kylie, hintayin nalang natin na siya ang mag-post dahil siguradong kumpleto ang detalye.

-NITZ MIRALLES