KUNG hindi mapapansin si Robert Bolick ng unang dalawang koponan, tiniyak ng Northport na kakabigin nila ang serbisyo ng San Beda College star sa darating na PBA Rookie Drafting.

Plano ng Northport na buuin ang tambalan nina Bolick at veteran guard na si Stanley Pringle sa post-Terrence Romeo era.

Ang Batang Pier ang may karapatan sa NO.3 pick overall sa gaganaping drafting sa Linggo sa Robinsons Place Manila, at hindi man pangalanan, lutang na interesado ang Mikee Romero-owned franchise kay Bolick.

“We’ll take yung matitira sa tatlo,” pahayag ni NorthPort team manager Bonnie Tan, patungol sa Top 3 na inaasahang lalargahan nina CJ Perez ng Lyceum, Ray Parks Jr. at ni Bolick.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Bahagi ang 23-anyos na si Bolick sa tatlong kampeonato ng San Beda sa NCAA at isang UAAP title sa La Salle.

Nauna rito, tahasang sinabi ng Columbian Dyip ang kagustuhan na kunin si Perez bilang No.1 overall pick.