HINDI kabilang sa binigyan ng individual award sa Mythical Team selection si Thirdy Ravena, ngunit sampal na katotohanan sa liga ang ipinamalas niyang husay para tanghaling Finals MVP – sa ikalawang sunod na season.

Maging ang kanyang nakatatandang kapatid na si Kiefer ay hindi nakaakyat sa ganitong pedestal nang aryahan ni Thirday ng career-high 38 puntos ang Blue Eagles tungo sa dominanteng 99-81 panalo kontra sa University of the Philippines para tanghaling back-to-back champion nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Hindi naman nakaligtas ni Ravena na pasalamatan si coach Bo Perasol na nagging mentor niya sa Ateneo sa kanyang unang dalawang taon sa UAAP. Lumipat si Perasol sa UP matapos palitan ni American coach Tad Baldwin sa nakalipas na season.

“I just want to give a shout out to Coach Bo, my former coach. He had a great season,” pahayag ni Ravena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

-Marivic Awitan