MULING nagpakita ng bangis si dating Philippine super bantamweight champion Jhon Gemino nang patulugin sa 2nd round ang pinasisikat na Hapones na si Sho Nakazawa sa kanilang featherweight bout kamakalawa ng gabi sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Batid ni Gemino na hindi siya magwawagi sa puntos kaya nagpakawala ng matinding kanan eksaktong 2:25 ng 2nd round kaya napilitan si Japanese referee Michiaki Someya na ibigay ang pagwawagi sa Pinoy boxer.

Kilalang journeyman si Gemino na lumaban na sa iba’t ibang panig ng daigdig at may panalo kina South African WBA Pan African super bantamweight champion Toto Helebhe na pinatulog niya sa 7th round noong Agosto 5, 2016 sa Emerald Casino, Vanderbijlpark, South Africa at dating world rated na Amerikanong si Toka Kahn Clary ng na pinabulagta niya sa 1st round noong Setyembre 23, 2016 sa Kissimmee, Florida sa United States,

Naganda ng tubong Lipa City, Batangas na si Gemino ang kanyang rekord sa 18-11-1 na may 8 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Nakazawa sa 11-3-5 medals.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

-Gilbert Espeña