Makaraang payagang maghain ng post-conviction remedies, nagpiyansa na kahapon ng P300,000 si dating First Lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa Sandiganbayan Fifth Division.
Tanging mga abogado lang ng kongresista ang kumatawan sa kanya sa paghahain ng piyansa.
Hinatulang guilty si Marcos sa pitong bilang ng graft, na isinampa noon pang 1991, kaugnay ng kanyang “direct and indirect financial or pecuniary interest” sa pangangasiwa sa ilang non-government organizations na nilikha sa Switzerland simula 1968 hanggang 1984.
Bagamat hindi pa naghahain si Marcos ng anumang motion for reconsideration sa anti-graft court, naghain na siya ng notice of appeal nitong Nobyembre 26.
-Czarina Nicole O. Ong