IPINAHAYAG ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch’ Ramirez na itutuon ng ahensiya sa mas makabuluhan at malawakang programa sa grassroots sa Southeast Asian Games calendar year.

Ayon kay Ramirez, sinimulan na ng ahensiya ang reformat sa kanilang programa upang mas mapataas ang kalidad ng kompetisyon ng atletang Pinoy, higit at host ang bansa sa 2019 SEA Games.

"Itong remaining three years marami pa tayong aayusin para sa ating grass roots program at sa elite sports. Kaya nagpapasalamat kaming lahat sa inyo dahil kayo ang nagdodocument n gaming mga gawa,” sambit ni Ramirez na sinamahan sa media briefing nina Commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Celia Kiram at Charles Maxey.

Aminado si Ramirez na marami pang kailangan na ayusin ang ahensiya lalo na sa pagpapalawig ng grassroots sports program at ng elite sports, ngunit sadya umanong napapadali ang kanilang trabaho dahil sa pakikiisa ng lahat.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagbigay din ng kanyang pahayag si Ramirez sa kanyang mga empleyado bilang mensahe sa Kapaskuhan.

"We may not like each other. We may have some differences. But we have to be united for public service because sports agency is a unique program for all Filipinos," aniya.

Muling umaasa si Ramirez na isang matagumpay na 2019 ang nakaabang sa lahat ng Filipino at pati na sa larangan ng sports partikular na ang kampanya ng bansa para sa pagsasagawa ng Southeast Asian Games sa Nobyembre.

-Annie Abad