SINAGOT n i Michael V., ang binanggit ni Mystica sa post nito sa Facebook na dahil hindi pinakinggan ni Michael V. ang panawagan niyang kunin siya at isama sa Bubble Gang, ay kay Dingdong Dantes na lang siya nananawagan. Nagpapatulong si Mystica kay Dingdong para makapasok sa Cain at Abel.

Michael V. copy

Sa Twitter idinaan ni Michael V. ang sagot kay Mystica: “As much as gusto kong magpasok ng ibang artista para maging cast ng #BubbleGang & #PepitoManaloto, hanggang suggestion lang po ako. Nasa GMA Network po ang final decision.”

May mga nagpayo kay Michael V. na ‘wag siyang magpadala sa kadramahan ni Mystica. May nagsabi ring ‘wag na niyang intindihin si Mystica na mahilig lang magpapansin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Comment pa ng isa, kung talagang may talent si Mystica ay pagkakalooban naman siya ng magandang project.

Dahil sa ginawang panawagan ni Mystica, marami na rin ang gumaya sa kanya at nag-apply na mapasama sa Bubble Gang o kaya ay sa Pepito Manaloto. Nakalimutan agad ng mga ito ang tinuran ng komedyante na hindi siya, kundi ang GMA Network ang nagdedesisyon kung sino ang makakapasok sa kanilang mga show.

-NITZ MIRALLES