WINALIS ng season host University of Perpetual Help ang Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 volleyball tournament na pansamantalang idinaos sa Lyceum of the Philippines University gym sa Intramuros.

APIR: Nagdiwang ang mga player ng Lyceum of the Philippines matapos makaiskor laban sa San Sebastian College sa kanilang laro sa NCAA women’s volleyball championship. (RIO DELUVIO)

APIR: Nagdiwang ang mga player ng Lyceum of the Philippines matapos makaiskor laban sa San Sebastian College sa kanilang laro sa NCAA women’s volleyball championship. (RIO DELUVIO)

Ginapi ng Junior Altas ang Brigadiers,25-19, 25-12, 25-16, pinapataob ng Altas ang Generals, 25-20, 25-16, 25-23 at dinomina ng Lady Altas ang Lady Generals, 25-15, 25-8, 25-16.

Ang panalo na pinamunuan nina Noel Michael Kampton at Sherwin Caritativo na nagposte ng 14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod , ang ikalawang sunod ng Junior Altas na nagtabla sa kanila sa Arellano University Braves sa pamumuno sa juniors division.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Naiposte din ng reigning titlist Altas ang ikalawa nilang panalo sa pangunguna ni Ridzhuan Muhali na nagposte ng 12 puntos.

Sa womens division, pinaulanan naman ng hits, 35-15 at ng service aces, 8-2, ng Lady Altas ang Lady Generals para sa una nilang panalo.

Nagtapos na may tig-9 na puntos sina Bianca Tripoli at Necelle Mae Gual upang pangunahan ang nasabing panalo ng Lady Altas.

-Marivic Awitan