MAGKAKASUBUKAN sina Japanese knockout artist Masao Nakamura at dating OPBF junior lightweight champion Carlo Magali ng Pilipinas sa 12-round na sagupaan para sa bakanteng WBO Asia Pacific super featherweight title sa Disyembre 1 sa EDION Arena Osaka, Osaka, Japan.

May rekord si Nakamura na 24 panalo, 23 sa pamamagitan ng knockouts, pero may 3 talo na dalawa ay knockouts sa mga Pilipinong sina Ronald Pontillas noong 2011 at Rey Labao noong 2014 sa mga sagupaan sa Japan.

Natalo si Magali sa kanyang huling laban kay Hirono Mishinu na umagaw sa kanyang OPBF title sa 12-round split decision noong Hunyo 20, 2018 sa Differ, Ariake, Japan kaya nawala siya sa WBC rankings.

May rekord si Magali na 23-10-3 draw na may 12 pagwawagi sa knockouts at lumaban na sa mga bansang Japan, Russia, Australia, Ghana at Malaysia kaya masasabing beterano ng matitinding laban.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Sa undercard ng sagupaan, tatangkain naman ni Filipino Richard Rosales na maagaw ang korona ni world rated WBO Asia Pacific light flyweight champion Reiya Konishi na isa ring Hapones.

-Gilbert Espeña