TULAD ng dapat asahan, natalo sa kontrobersiyal na 5th round technical decision si Richard Pumicpic kaya naagaw ng bagitong si Musashi Mori ang kanyang WBO Asia Pacific featherweight title kamakalawa sa Aioi Hall, Kariya, Aichi, Japan.

Tiyak na mawawala rin sa world rankings si Pumicpic bilang No. 8 contender kay WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico at papalit sa kanyang katayuan ang 18-anyos na si Mori.

Kinailangan lamang ni Mori na nakatayo hanggang sa itigil ang laban sanhi ng putok sa kilay ni Pumicpic at natural na siya ang magwawagi sa tatlong huradong Hapones.

Ito ang ikalawang kontrobersiyal na sunod na panalo ni Mori sa mga Pilipino matapos magwagi sa 8-round majority decision kay dating Philippine super featherweight champion Allan Vallespin.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napaganda ni Mori ang kanyang rekord sa perpektong 8 panalo, 5 sa pamamagitan ng knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Pumicpic sa 21-9-2 win-loss-draw na may 6 na pagwawagi lamang sa knockouts.

-Gilbert Espeña