NAKABANGON ang National University mula sa dalawang dikit na talo matapos igupo ang University of the East, 25-18, 25- 18, 25-13, kamakailan sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa FEU-Diliman Gym.

Tumapos na may 11-puntos si Faith Nisperos na kinabibilangan ng 6 na service aces habang nagdagdag si reigning MVP Mhicaela Belen ng 9 na puntos at 5 digs upang tulungan ang Junior Lady Bullpups na tapusin ang eliminations bilang No. 1 team sa markang 10-2.

Sa iba pang laro, umiskor si Angel Canino at Alleiah Malaluan ng tig-16 puntos upang pamunuan ang De La Salle-Zobel sa 25-22, 25- 15, 23-25, 25-16 panalo kontra Far Eastern University-Diliman.

Gaya ng NU, tumapos ang Junior Lady Spikers na may markang 10-2, ngunit bumaba ang huli sa No. 2 dahil lamang sa match points ang una.

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

Nagposte naman si Renee Lou Penafiel ng 17-puntos kasunod si Imee Hernandez na may 16 puntos at 7 digs para pamunuan ang University of Santo Tomas sa paggapi sa Adamson University, 25-23, 25-22, 25-18.

Nagtapos ang Junior Tigresses na No. 3 taglay ang markang 8-4 habang pang-apat naman ang Baby Falcons na may 7-5 kartada.

Sa boys division,inunsiyami ng FEU-Diliman tangka ng NU na outright entry sa Finals matapos niyong padapain ang huli, 21-25, 25-23, 25-22, 25-21.

Pinatalsin naman ng titleholder UST ang University of the East, 19-25, 25-18, 25-16, 25-7, habang pormal na pinapasok ang Adamson University na nagwagi sa De La Salle-Zobel, 25-19, 25-17, 21-25, 25- 15 sa Final Four bilang pang-apat.

Tumapos ang Bullpups na top seed hawak ang barahang 13-1, habang magpi playoff pa ang Tiger Cubs at Baby Tamaraws upang pag-agawan ang second spot at huling twice-to-beat incentive makaraang magtabla sa 10-4 kasunod ang Baby Falcons na may barahang 9-5.

-Marivic Awitan