Adamson vs UP sa ‘winner-take-all’

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

11:00 n.u. -- UST vs FEU (Women Semis)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

3:30 n.h. -- UP vs AdU (Men Semis)

KAPWA gutom sa atensyon. Parehong uhaw sa kampeonato. Kumakatok sa pintuan ng kasaysayan.

KAMBAL SA UMA! Talikuran sina UP forward at league MVP Bright Akhueti at Papi Sarr ng Adamson sa paguunahan sa rebound sa kainitan ng kanilang laro nitong Sabado na pinagwagihan ng Maroons. (RIO DELUVIO)

KAMBAL SA UMA! Talikuran sina UP forward at league MVP Bright Akhueti at Papi Sarr ng Adamson sa paguunahan sa rebound sa kainitan
ng kanilang laro nitong Sabado na pinagwagihan ng Maroons. (RIO DELUVIO)

Itaya na ang pamato’t panabla sa ubusan ng lakas at pataasan ng antas ng determinasyon sa pagtutuos ng Adamson Soaring Falcons at University of the Philippines Fighting Maroons sa ‘winner-take-all’ ngayon para sa karapatang maging challenger ng defending champion Ateneo de Manila sa UAAP Season 81 men’s basketball championship.

Inaasahang mapupuno ang makasaysayang Araneta Coliseum sa ‘kayo o kami’ na sitwasyon sa pagitan ng dalawang koponan na kapwa mahabang panahong pinagkaitan ng pagkakataon sa pedestal.

Nakatakda ang aksiyon ganap na 3:30 ng hapon.

“Both teams are gunning for history. It’s gonna be a fun game. It’s gonna be a classic game,” pahayag ni Adamson coach Franz Pumaren.

Kapwa target ng Adamson at UP na pawiian ang mahigit tatlong dekadang pananamlay sa liga.

H u l i n g n a k a t i k i m n g championhip series ang Maroons noong 1986 sa pangunguna noon nina PBA hall-famer Benjie Paras at Ronnie Magsanoc, habang ang Falcons ay huling sumabak sa season Finals noong 1992 sa panaho ng basketball icon ding sina Marlowe Aquinoa at Kenneth Duremdes.

Bilang pagsuporta sa koponan, sinuspinde ang klase ngayon sa Adamson upang manood atmag-cheer sa Falcons ang mga empleyado at estudyante.

Nabitiwan ng No. 2 seed Soaring Falcons ang twice-to-beat advantage nang gapiin ng Maroons sa makapigil-hiningang 73-71 desisyon nitong Sabado para maipuwersa ang do-or-die.

Naghihintay sa mananalo ang Ateneo na muling umusad sa championship nang pabagsakin ang Far Eastern University sa hiwalay na semifinal duel.

“We were down the whole game but when we started playing the right system, the right brand of game, we were able to get back the lead. But we shot bad,” pahayag ni Pumaren.

Muli, sasandigan ang Maroons nina season MVP Bright Akhuetie, graduating captain Paul Desiderio at Mythical Team member Juan Gomez de Liaño.

Mauuna rito, tatangkain ng University of Santo Tomas na ituloy ang kanilang Cinderella run sa pagsagupa sa second seed Far Eastern University Lady Tamaraws para sa karapatang hamunin ang defending champion National University sa women’s finals sa unang laro ganap na 11:00 ng umaga.

-MARIVIC AWITAN