ALAGAD ng sining, fashionista, product endorser, jetsetter at painter. Ito ang maraming mukha ni Heart Evangelista-Escudero. Kung tutuusin, hindi na kailangan pang magtrabaho ng aktres dahil she was born with a silver spoon in her mouth.

Heart copy

Pero bahagi na ng kanyang buhay ang showbiz, at hindi niya ito matatalikuran. Isa siya sa prized possession ng GMA-7 at kamakailan lang ay nag-renew siya ng kontrata. May mga projects na ngang inilaan sa kanya ang Kapuso network.

Sabik na rin ang kanyang mga fans na muli siyang gumawa ng teleserye. Huli siyang napanood sa My Korean Jagiya.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Pero after election na magbabalik-teleserye si Heart, dahil gaya ng dati ay todo suporta siya sa political career ng asawang si Senator Chiz Escudero. Kakandidato ang senador para maging gobernador ng Sorsogon sa susunod na taon.

-Remy Umerez