PATULOY ang pagdami ng mga sports na kusang nagpapasailalim sa superbisyon ng Games and Amusement Board.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, binubuksan ng ahensiya ang pintuan sa mga organisasyon at promoter na nagsasagawa ng tournament mula sa martial arts jiu-jiitu, water sports na jetski, at e-Sports dahil sa pagnanais ng mga ito na maging bahagi ng GAB.

“Even a three-point shooting league ay nagsasadya sa amin para humingi ng lisensiya at magpasailalim sa GAB supervision. Nakatutuwang isipin na hindi na kailangan pang pagsabihan namin sila. Sila mismo, alam nila na malaking bagay ang magkaroon ng GAB license,” pahayag ni Mitra.

Bilang pro league, bukod sa pagbabayad ng karampatang license fee, sumasailalim din ang mga atleta sa taunang pagbabayad ng kanilang mga lisensya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“In return, kami sa GAB ay nagbibigay ng libreng medical at drug test sa mga atleta,” aniya.

Iginiit ni Mitra na ikinatutuwa niya na sa kabila ng kanilang mga katayuan, kagyat na inaamin ng mga naturang liga ang pagiging propesyunal at humihingi agad ng lisensya sa GAB.

“Yung iba, kitang-kita nan a peopesyunal yung liga nila, ayaw pang umamin at tumatanging pasailalim sa amin,” pahayag ni Mitra.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng sereye ng pakikipag-usap ang GAB sa pamunuan ng MPBL, Philippine Super Liga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL) – tatlong nangungunang liga sa basketball at volleyball na patuloy na ginigiit ang pagiging amateur.

“Mismong si PSC Chairman Butch Ramirez ang nagsabi, na kung tumatanggap ng sahod ang mga players hindi na ito amateur. Huwag na silang tumaggi ang sana’t makiisa na lang amin. Ang ibabayad naman nila ay hindi napupunta sa GAB, diretso ito sa National Treasury,” pahayag ni Mitra.

-Edwin Rollon