NAG-POST ni Maymay Entrata tungkol sa magagandang feedback sa pagrampa niya sa Arab Fashion Week Show kamakailan. Sinimulan niya ang post ng Bible quotation na: “Let your light shine before others” mula sa Matt. 5:16.

Maymay Entrata copy

“Nakakaiyak lang isipin na dati pinapangarap ko lang ang nararamdaman kong ‘to. ‘Yung tipong ‘pag iniisip mo siya, kay hirap na abutin. Pero minsan pala, ‘pag pinabayaan mo lang at marunong maghintay sa tamang panahon, kung para sa ‘yo talaga, ibibigay sa ‘yo.

“Syempre, sa likod ng natamo ko sa lahat ng ‘to, pinasasalamatan ko ang Panginoon, sa mga taong naging dahilan at tulay ng aking tagumpay Ms. @furneamato Sir @josh_yugen, Entrata & Barcelona Family, @starmagicphils Fam, @starcinema Fam. @dreamscapeph Fam, Team May & Ed Fam, Mayward Family at sa lahat ng sumuporta at nagbigay-puri maraming maraming salamat po.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Dahil sa inyong lahat, mas naging matatag ako at pumiling lumaban upang lakarin ang daan patungo sa pangarap. Mapamilya ko at buong Pilipinas, Salamat po.”

Kabilang sa nag-congratulate kay Maymay sina Jolina Magdangal, Paolo Ballesteros, Karla Estrada, Cacai Bautista, Angelica Panganiban, Maja Salvador, at marami pang iba.

Hinihintay na ng fans ni Maymay ang mga susunod niyang ganap, mapa-TV, pagrampa at pelikula man. Mauuna lang siyang mapanood sa pelikula, dahil kasama siya sa cast ng Metro Manila Film Festival 2018 entry na Fantastica, ni Vice Ganda.

-NITZ MIRALLES