NADOMINA ng Davao Occidental COCOLIFE Tigers ang Zamboaga Valientes,93-68, sa pagpapatuloy ng eliminasyon para sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kamakalawa sa Valenzuela Astrodome.

Agad na kinontrol ng Davao COCOLIFE Tigers ni team owner Claudine Bautista ng Davao LGU at ayudanteng sina COCOLIFE president Elmo Nobleza,FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan sa unang yugyo pa lamang sa maigting na depensa sa kabilang dulo upang iposte ang 44-24 bentahe sa halftime.

Tumikada ng double-double si PBA veteran at slotman Mark Yee sa kanyang 25 points at 13 rebounds kaagapay sina journeyman Bonbon Custodio,Ex-pro Leo Najorda,Ilonggo star Billy Robles,Eman Calo,Ronald Lamocha at sreakshooter Joseph Terso upang akayin ang koponan sa ika-syam na deretsong panalo at manatili sa ituktok ng standing 11-3 sa south division ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Nagtangkang maghabol sa ikatlong kanto ang Valientes sa pagsisikap nina Leo Avenido,Jonathan Parreno at Reed Juntilia subalit dalawang sunod na tres ang pinawalan ni Tiger Terso upang silensyuhin ang atungal ng Zambo squad at muling umarya ang Davao COCOLIFE at ibaon pa ang karibal na koponan mula din Mindanao sa 6-8 karta.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Malapad ang papel ng ating mga beterano at nakakahawa ang kanilang adrenaline sa mga mas batang teammates mula ensayo hanggang aktwal na game katulad ng aming panalo ngayon,” pahayag ni team manager Ray Alao.