“WE’RE sharing ASAP stage to all our Kapamilyas. Kaya ASAP Natin ‘To kasi para lahat maka-connect. Mga ordinaryong tao puwedeng ma-feature, lahat ng marunong kumanta puwedeng kumanta hindi lang ‘yung puro kilalang singers lang ang puwedeng tumuntong sa ASAP stage,” ito ang paliwanag sa amin ng taga-ASAP tungkol sa pagbabago ng programang napapanood tuwing Linggo.

Sarah (ASAP STORY) copy

Aware ang buong produksyon ng ASAP Natin ‘To sa kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanila kasi nga malaki ang ipinagbago ng show at hindi pa sila sanay.

“Nasanay kasi ang tao na puro kanta-kantahan, sayaw-sayawan, of course hindi naman aalisin ‘yun kasi iyon naman din talaga ang laman ng show, pero kailangan ibaba sa masa kasi hindi sila maka-connect, medyo mataas kasi.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Binanggit din namin na hindi nagustuhan ng publiko ang kasal segment ng show dahil sobrang haba at marami ang nainip.

“ O o m e d y o mahabang oras kasi siyempre kailangan ng back story pero sa maniwala kayo o sa hindi, iyon ang pinakamataas na ratings, meaning, maraming naka-connect kasi kuwento ng buhay ng karaniwang tao.”

H i r i t n a m i n , baka ang susunod nang mapanood sa show ay binyagan a t pang ang ana k , “why not? Basta ba interesting ang kuwento, bakit hindi. Iyon talaga ang target kaya nag-reformat, lahat ng tao makaka-connect,” katwiran sa amin ng taga-ASAP Natin ‘To.

Nagtanong kami tungkol sa mga main host kung totoong wala na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Robi Domingo sa show tulad ng mga nasusulat.

“Toni and Alex will concentrate muna sa ‘PBB (Otso)’, Robi online host ng ‘ASAP’,” kaswal na sagot sa amin ng taga-production.

May nagsabi sa amin na sina Martin, Billy Crawford at Zsa Zsa ay wala sa bansa nang ilunsad ang ASAP Natin ‘To kaya wala sila.

Oo nga, nakita namin si Martin na may show sa ibang bansa kasama sina Bea Alonzo, Enchong Dee, Julius Babao at Ahwel Paz.

Sa pagkaka-intindi rin namin, ang main hosts ng ASAP Natin ‘To ay sina Regine Velasquez- Alcasid, Ogie Alcasid, Luis Manzano, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Erik Santos, at Gary Valenciano, base sa napanood nu’ng nakaraang Linggo.

“Kasama Billy sa main host, sampu lahat sila,” saad sa amin.

Hmm, kulang pa ng dalawa itong lista namin, sino pa ‘yung dalawa? Pero hindi na kami nasagot ng aming kausap, baka nagmi-meeting na ulit sila para sa 2nd episode ng ASAP Natin ‘To.

Samantala, may nakita kaming post ng Sexbomb Dancers na mapapanood daw sila sa ASAP Natin ‘To.

“Oo kas i lahat nga welcome,” sagot sa amin.

-REGGEE BONOAN