IPINOST ni Dennis Trillo sa kanyang I n s t a g r a m ( I G ) aacount ang pag-like ni Coco Martin sa post niya ng Cain at Abel. Nakalagay sa post ang “mr. Cocomartin l i k e d y o u r p o s t ” at ang comment ni Dennis na “Salamat sa pag like Cardo. @ mr.cocomartin.”

Dennis copy

Sumagot si Coco dito at aniya, “Congrats Bro sana magkatrabaho tayo soon!!!” na sinagot uli si Dennis ng, “@mr.cocomartin sana nga! Maraming salamat, mabuhay at pagpalain ka pa sana lalo idol.”

Marami ang natuwa sa convo nina Coco at Dennis at sila man ay umaasang ma g k a t r a b a h o a n g dalawang aktor. Inudyukan pa nga nila ang dalawa na “make it happen.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sa pelikula malaki ang chance na magkasama sina Coco at Dennis dahil malabo itong mangyari sa telebisyon. Si Coco kasi ay nakakontrata sa ABS-CBN at si Dennis ay sa GMA-7. Siguradong hindi sila ipapahiram ng kani-kanyang network.

Nakakatuwa rin na ni-like ni Dingdong naturang post.

Samantala, tinanong si Dennis tungkol sa eksena niya sa Cain at Abel na tumalon sa tulay ng Sta. Cruz, Laguna. Walang double si Dennis doon at ikinabahala ito ni Direk Toto Natividad, dahil delikado ang stunt.

“May emergency medics naman sa set at kung may aksidenteng mangyari o emergency, may suporta agad,” sabi ni Dennis.

Nagawa ni Dennis ang eksena, ang reklamo lang nito, kung reklamo man, ay lasang dumi ng tao at ihi daw ang tubig sa ilog. Natanggal din naman ang kumapit na amoy kay Dennis sa ilang beses na pagligo.

-NITZ MIRALLES