Tuluyang nang sinibak sa puwesto ang isang enhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na nakatalaga sa Abra, dahil sa umano’y pangingikil sa isang kontratista ng isang road project sa Ifugao, kamakailan.

Sa memorandum na inilabas ni DPWH Secretary Mark Villar, inatasan nito si Engr. Lorna Ricardo na bakantehin ang kanyang posisyon bilang District Engineer ng DPWH-Abra District Engineering Office.

Inutusan din itong mag-report sa DPWH Central Office habang nakabimbin ang imbestigasyon sa kinakaharap na kasong administratibo sa umano’y illegal activity nito.

Ibinaba ng Kalihim ang kautusan matapos na ilantad ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang isang video kaugnay ng paghihingi umano nito ng monetary favor sa isang contractor, kapalit ng awarding ng Lagawe-Caba-Ponghal Road development project.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa usapin ay ipinauubaya na ng Kalihim sa Internal Affairs Division of Legal Service.

Tiniyak naman nito na magiging patas ang imbestigasyon kay Ricardo.

-Mina Navarro