AFTER eight years ay ngayon lang muli magkakasama ang dalawang tinaguriang hari ng Kapuso network, ang Primetime King na si Dingdong Dantes at ang Drama King na si Dennis Trillo, in an action-packed series Cain at Abel.

Dennis at Dingdong copy

Una silang nagkasama sa Twin Hearts in 2003, nasundan ng telefantasya na Etheria in 2005, at ang huli ay sa Filipino adaptation ng Koreanovelang Endless Love back in 2010.

Ngayon, sa Cain at Abel, pareho silang lead actors as they play brothers Daniel (Dingdong) at Miguel/Elias (Dennis).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I’m happy na magkasama kami muli ni Dennis,” sabi ni Dingdong. “Alam kong matagal na ang concept na ito ng GMA na ibang actors ang gaganap, pero mukhang kami ang hinintay talaga to play the roles, at magkapatid pa kami. Pero hindi muna kami magkakilala sa simula ng story dahil mga bata pa kami nang paghiwalayin kami ng parents namin.”

“Na-excite naman ako nang malaman kong muli kaming magkakasama sa work ni Dingdong,” sabi naman ni Dennis. “It’s an honor to be working with the Kapuso Primetime King. Ang sagot ko kapag may nagtatanong sa akin kung ano ang susunod kong project, ipinagyayabang kong kasama ko si Dingdong Dantes.

“At nang finally nagkausap na kami ni Dingdong bago kami nagsimulang mag-taping, nangako kami sa isa’t isa na we will do our best para mapaganda talaga ang show dahil punung-puno ito ng aksiyon at drama rin.”

Sa media launch nga, humanga ang mga dumalong entertainment media sa napakagandang full trailer na inihanda ng production.

Isa sa napagkasunduan ng dalawa na sila-sila mismo ang gagawa ng kani-kanilang stunts. Si Dennis ay napanood na mabilis na tumakbo para umiwas sa mga humahabol sa kanya, to the point na tumalon siya sa tulay at lumitaw lang sa kabilang pampang ng ilog. Nakipagkarera naman si Dingdong sakay sa motorsiklo at may hinabol rooftop, saka sila sabay na bumagsak sa ibaba.

“Ayaw naming dayain ang mga action scenes kaya kami na ang gumagawa,” sabi ni Dennis.

“Medyo dangerous, pero maingat naman kami ni Dennis sa paggawa ng action scenes,” ani Dingdong.

Nakausap din namin si Direk Mark Reyes, na isa sa guest directors ng serye, at sinabi niyang amazed daw siya sa performances nina Dingdong at Dennis, sa action man o sa drama scenes. Maganda raw ang chemistry ng dalawa sa screen.

Isa pang guest director si Toto Natividad, na kilalang action director, kaya naman sa trailer pa lang ay pasabog na talaga ang mga eksena nina Dingdong at Dennis.

Sa Monday na ang pilot episode ng Cain at Abel, after 24 Oras. Tampok din sa serye sina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Eddie Gutierrez, Chanda Romero, Dina Bonnevie, Ronnie Henares, Boy 2 Quizon, Shyr Valdez, Leandro Baldemor, Carlo Gonzales, with special participation of Yasmien Kurdi, Diana Zubiri, Gio Alvarez, Rafael Rosell, and child stars David Remo, Seth dela Cruz at Ashley Cabrera.

-NORA V. CALDERON