Babaguhin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang disenyo ng kontrobersiyal na footbridge na nasa ibabaw ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 sa EDSA sa Kamuning, Quezon City.

Una nang inulan ng batikos ang MMDA mula sa mga netizens dahil sa sobrang taas ng tulay—na tinaguriang Mount Kamuning— dahil hindi ito maaaring magamit ng mga may kapansanan at senior citizen.

Sinabi ni Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, na nagpasya ang ahensiya na baguhin ang disenyo ng 13.8-metrong footbridge sa Scout Borromeo Street, sa paglalagay ng “flat form or landing” sa gitna ng tulay para bahagyang makapagpahinga ang tumatawid matapos akyatin ang footbridge.

Bukod pa rito ang ilalagay na screen sa P10-milyon tulay, na inaasahang matatapos sa Nobyembre 27, 2018.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Bella Gamotea