Kinaaliwan ng mga netizen ang hirit ng aktor at TV host na si Edu Manzano matapos niyang ibida ang pagpunta niya sa gasolinahan.
Sey ni Edu, hindi raw niya ugaling magyabang tungkol sa mga mamahaling lugar na napupuntahan niya, subalit sa pagkakataong ito, gusto niyang ipagyabang na nagpunta siya sa gasolinahan.
"Hindi ko ugaling magyabang sa mga mamahaling lugar na napupuntahan ko pero kanina galing nga pala ako sa gasolinahan," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Edu Manzano/FB
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Kung sa middle east hindi pa maxado effect pero dito sa pinas instant na"
"In fairness, yayamanin level ka na now when you go to such places"
"It makes sense"
"Nice one mamahalin talaga."
Tumutukoy ang banat na hirit ni Edu sa pag-anunsyo ng posibleng pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ipinaliwanag sa publiko ni Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin ang nakatakdang pagtaas ng mga presyo sa petrolyo mula ₱17 hanggang ₱24 kada litro, simula ngayong linggo.
Ayon sa naging pahayag ni Garin sa pagdinig sa pagdinig ng Committee on Ways and Means sa Kamara nitong Lunes, Marso 9, 2026, direkta niyang sinabing iniulat umano sa kanila ng mga oil firms sa bansa ang nasabing pagsipa ng presyo sa petrolyo.
May kinalaman pa rin ito sa patuloy na sigalot sa pagitan ng mga bansa sa Middle East, partikular sa Israel at Iran, kasama pa ang Amerika.
Maki-Balita: DOE Sec. Garin, inilahad ₱17-₱24 na pagsipa ng petrolyo ngayong linggo!