MABILIS ang pag-arangkada ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt sa international fashion and beauty scene.

MABILIS ang pag-arangkada ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt sa international fashion and beauty scene.

MABILIS ang pag-arangkada ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt sa international fashion and beauty scene.

Katatapos lamang ng kanyang pagrampa sa Victoria’s Secret Fashion Show, heto at tampok naman siya sa “Beauty Secrets” series ng Vogue, kasama sina Rihanna, Victoria Beckham, Adriana Lima, Miranda Kerr, Candice Swanepoel, Ashley Graham at Kendall Jenner.

Sa “Beauty Secrets”, ipakikita sa viewers ang bathrooms ng “well-known and beloved beauty, fashion, and pop culture faces” kung saan makikita ang kanilang skin-care at makeup routine at mga produktong ginagamit nila.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Ipinahayag ni Kelsey, sa Instagram, ang kanyang excitement sa kolaborasyon niya sa Vogue.

“OMG my beauty secrets with @voguemagazine is out!! I never imagined I would ever work with Vogue, so this is another one off of my bucket list!! I’m in tears of joy right now,” sabi ni Kelsey.

Sa video, ibinunyag ng Pampanga-born model na “she always goes for the tanned and bronzed look.” Binanggit din niyang hindi niya gustong itago ang freckles niya dahil ito ang paborito niyang bahagi ng mukha niya.

Nagbahagi rin ang modelo tungkol sa VS experience niya, at sinabing napakahalaga nito para sa kanya at sa mga Pinoy.

“They love Victoria’s Secret so much, and they’ve always been wanting a Philippine model to walk the show,” aniya.

“This is not like only a success for me, it’s also a success for them,” sabi pa ng Filipina beauty.

-NOREEN JAZUL