Paiigtingin pa ang kaunlaran sa Albay sa pagsusulong ng pinag-ibayong development plan sa lalawigan laban sa kahirapan.

Walang kalaban sa eleksiyon, itutulak ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang “Albay 2.0 development plan” para sa pinaigting na pamumuhunan sa mga Albayano at sa imprastruktura na magpapaunlad hindi lang sa probinsiya kundi sa buong Bicol Region.

Itinutulak ng kongresista ang ilang mahahalagang proyekto, kabilang ang pagpapataas sa antas ng Bicol Training and Teaching Hospital, pagbubukas ng Bicol Cancer Institute at sa Bicol University, pagkumpleto sa Bicol International Airport at sa Philippine National Railways Southline, at maraming iba pa

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho