DALAWANG linggong hindi mapakikinggan ang tinig ni Bro. Jun Banaag, or Dr. Love sa kanyang DZMM show. Umalis siya nitong Sabado patungo sa Holy Land kasama ang mga pilgrims.

“Hindi po ito pamamasyal na ipinahiwatig ng ilang nag-text, kundi isang paglalakbay, and to reflect,” sabi ni Bro. Jun. “Isa itong spiritual retreat, at ako bilang spiritual guide ng grupo, ay magsasalysay sa mga pangyayaring naganap sa mga banal na lugar na tinahak ng ating Panginoon.”

Sa November 26 pa ang balik ni Bro. Jun sa Dr. Love Radio Show sa DZMM, at pansamantala siyang papalitan ni Ilsa Reyes bilang host sa kanyang timeslot.

Samantala, muling nakakuha ng nominasyon ang Dr. Love Radio Show para sa isang special award mula sa Catholic Mass Media Award (CMMA), para sa dokumentaryong Maglakbay, Magnilay, na kinuhanan last year nang magtungo ang grupo ni Bro. Jun sa Holy Land.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Remy Umerez