Mga laro sa Martes
(Filoil Flying V Centre)
2:00 n.h. -- F2 Logistics vs Generika-Ayala
4:15n.h. -- Foton vs Smart
7:00 n.g. -- Sta. Lucia vs Cignal
BIÑAN CITY – Nailusot ng University of the Philippines (UP) at Far Eastern University (FEU) ang dikitang duwelo para makopo ang ikalawang sunod na panalo sa Philippine Superliga Collegiate Grand Slam nitong Sabado sa Alonte Sports Center here.

Naisalba ng Lady Maroons ang pagkakalat sa ikalawang set sa impresibong hataw sa sumunod na aksiyon tungo sa 25-6, 21-25, 25-16, 25-22 panalo kontra Colegio San Agustin (CSA)-Binan, habang tumipa ang Lady Tamaraws ng 25-21, 25-16, 25-11 kontra De La Salle University-Dasmarinas.
Hataw si rookie Nicole Magsarile sa naiskor na 15 puntos, habang tumipa ng 12 attacks at tatlong aces, habang umiskor si Justin Dorog ng 14 hits para sa ikalawang sunod na panalo ng UP sa torneo na itinataguyod ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen at Bizooku.
Nag-ambag sina Aie Gannaban at Marist Layug ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
“They (CSA) played good volleyball,” pahayag ni UP coach Godfrey Okumu.
“They wanted to win more than us. We thought the game was going to be easy. But, it’s good for our player to learn to take pressure from every game they play,” aniya.