MULING kumubra ng karangalan para sa Pilipinas ang GMA Network matapos magwagi ng special documentary award ang Philippine Seas ni Atom Araullo sa prestihiyosong Association for International Broadcasting Awards (AIBs) 2018 sa London nitong Nobyembre 7.

Atom copy

Ang kauna-unahang dokumentaryo ni Atom sa Kapuso Network ang itinanghal na pinakamahusay sa Science, Technology, Nature category. Tinalo nito ang ibang kalahok mula sa Al Jazeera English, CNN, at BBC News Digital.

Samantala, isa pang GMA News and Public Affairs program ang kinilala ng AIBs. “Highly Commended” ang episode ng Reel Time na “Batang Maestro” sa Domestic Affairs Documentary category.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Naroon sa London upang tanggapin ang award para sa Pilipinas at sa GMA Network sina Philippine Seas Program Manager Lee Joseph Castel at Executive Producer Ian Simbulan, kasama si Reel Time Program Manager Nowell Cuanang.

Short-listed naman o finalist sa Daily Journalism category ang “Marawi Liberation: War is Over” ng State of the Nation Address with Jessica Soho ng GMA News TV.